Extension sa paghahain ng ITR kinumpirma ng BIR

Kinumpima ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na palalawigin nito ang paghahain ng Income Tax Returs (ITRs).

Ayon sa BIR, sa halip na sa April 15 na deadline ay ginawang May 15 na ang deadline ng paghahain ng ITR.

Ito ay bilang kunsederasyon dahil sa umiiral na enhanced community lockdown sa Luzon.

Pero umapela pa rin ang BIR sa publiko na kung may pagkakataon at kakayaning makabayad ay mabuting sundin pa rin ang April 15 deadline.

Makatutulong kasi ang ibabayad na buwis ng mamamayan para makalikom ng pondo ang pamahalaan sa mga hakbang ng gobyerno kontra COVID-19.

Read more...