Paalala ng DOLE sa employers: Pagtanggi ng empleyadong pumasok sa trabaho hindi dapat mag-reflect sa kaniyang performance

Hindi pwedeng pwersahin ang mga manggagawa na pumasok sa kanilang trabaho ngayong mayroong umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang hindi pagpasok sa trabaho ng isang empleyado ngayong mayroong quarantine ay hindi dapat mag-reflect sa kaniyang performance.

Mayroon din dapat choice ang empleyado kung automatic na ipabawas sa kaniyang leave of absence o pairalin ang no work no pay habang hindi siya pumapasok.

Nanawagan ang DOLE sa mga kumpanya na paswelduhin ang mga empleyado kahit hindi pumapasok.

Sa ngayon may malalaking kumpanya na aniyang gumagawa nito.

Read more...