Tricycle, pedicab at jeepney drivers sa Cainta bibigyan ng tulong

Bibigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Cainta ang lahat ng tricycle drivers sa bayan.

Apektado kasi sila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine kaya hindi sila nakakabiyahe.

Pinayuhan ni Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto ang lahat ng tricycle driver sa bayan na makipag-ugnayan sa presidente ng kanilang asosasyon.

Ayon kaky Nieto mayroong 5,000 pamilya na apektado ng pagtigil ng operasyon ng mga tricycle sa bayan.

Nanawagan din si Nieto sa mga asosasyon ng pedical drivers at jeepney drivers sa Cainta na makipag-ugnayan sa kaniya para mabigyan din sila ng tulong.

Tuloy naman ang sweldo ng mga empleyado ng gobyerno sa Cainta.

Namamahagi rin ng pagkain sa bayan at pamimigay ng Vitamin C para sa mga senior citizen.

Read more...