Lahat ng dayuhan mula ibang bansa hindi na papayagang pumasok sa Israel

Tuluyan nang isinara ang Israel mula sa mga biyahero galing sa anumang bansa.

Lahat ng dayuhan ay hindi na papayagang pumasok sa Israel kahit pa pumayag silang magpasailalim sa quarantine pagdating sa naturang bansa.

Ang pasya ay inanunsyo ng Population and Immigration Authority at ng Ministry of Health.

Sa ngayon tanging mga mamamayan ng Israel ang pwedeng pumasok sa bansa.

Sa huling datos, ang Israel ay mayroong 433 na kaso ng COVID-19.

Read more...