Mahigit 500 hotel rooms sa Maynila ipagagamit sa frontliners

Magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga frontliners at healthcare workers ang ilang mga hotels sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay sa gitna ng umiiral “enhanced community quarantine” sa buong Luzon.

Nilagdaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Executive Order no. 17 na naglalayong tulungan ang mga empleyadong nagtratrabaho sa lungsod na apektado ng pagsuspinde ng pampublikong transportasyon sa buong rehiyon.

Sa ilalim ng naturang EO maaaring mamalagi ang mga frontliners at healthcare workers na nagtratrabaho sa mga district at national government hospitals sa ilang hotel sa Maynila.

Kabilang sa mga hotel na naglaan ng kwarto ay ang mga sumusunod:

– Hotel Sogo (421 rooms)
– Eurotel (50 rooms)
– Town and Country Hotel (60 rooms)
– Bayview Park Hotel (15 rooms)

Libre na matutuluyan ng mga frontliners at healthcare workers ang nasabing mga kwarto habang umiiral pa ang quarantine.

Read more...