475 nasawi sa Italy dahil sa COVID-19 sa magdamag

Nakapagtala ng 475 na bilang ng nasawi sa Italy dahil sa COVID-19 sa nakalipas na magdamag.

Ito na ang pinakamataas na death toll sa Italy dahil sa nasabing sakit sa loob ng isang araw lamang.

Dahil dito umakyat na sa 2,978 ang kabuuang bilang ng nasawi sa Italy dahil sa COVID-19.

Halos mapantayan na nito ang death toll sa China na nasa 3,237.

Mayroon naman itong 35,713 na kaso.

Sa magdamag ay umabot sa 4,207 na kaso ang naitala sa nasabing bansa.

Mahigit 2,600 na health workers sa Italy ang infected na ng COVID-19.

At kabilang sa pinakabagong nasawi angd isang 57 anyos na doktor mula sa Lodi.

Read more...