Bilang ng nasawi dahil sa COVID-19, umabot na sa 17 – DOH

Umakyat na sa 17 ang bilang ng nasawi dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon sa Department of Health (DOH), tatlong pasyente pa ang nasawi bunsod ng nakakahawang sakit.

Sinabi ng DOH na pumanaw ang patient number 201 o PH201 na isang 58-anyos na lalaking Filipino mula sa Lanao del Sur.

Mayroon itong travel history sa Malaysia.

Na-confine ang pasyente sa Amai Pakpak Medical Center noong March 10 at nasawi noong March 17 bandang 6:41 ng umaga.

ARDS secondary to COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw ng pasyente.

Samantala, nasawi rin ang PH57 na isang 65-anyos na lalaking Filipino, residente ng Pasig City.

Mayroon itong travel history sa London.

Unang na-admit ang pasyente sa The Medical City-Ortigas noong March 10 at nakumpirmadong positibo sa sakit noong March 13.

Nasawi ang pasyente noong March 17 bandang 10:10 ng gabi.

Nasawi rin ang PH160 na isang 86-anyos na babaeng Filipino mula sa San Juan City.

Wala itong travel history sa anumang bansa.

Na-confine ang paysente sa Cardinal Santos Medical Center at nakumpirmang positibo sa sakit noong March 16.

Nasawi ang pasyente noong March 17 bandang 2:25 ng madaling-araw.

Ayon sa DOH, Septic Shock secondary to Pneumonia-High Risk secondary to COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw ng pasyente.

Read more...