Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 12:00 ng tanghali, 15 ang naitalang bagong kaso ng nakakahawang sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 202 ang kabuuang bilang ng COVID-19 positive patients sa bansa.
Samantala, inanunsiyo rin ng DOH na tatlo pang pasyente ang naka-recover sa virus.
Gumaling ang patient number 15 o PH15 na isang 24-anyos na lalaking Filipino mula sa Makati City.
Mayroon itong travel history sa United Arab Emirates (UAE).
Una itong na-confine sa Makati Medical Center noong March 7 at dalawang beses nag-negatibo sa sakit dahilan para ma-discharge noong March 15.
Naka-recover din ang PH26 na isang 34-anyos na lalaking Filipino mula sa Camarines Sur.
Kabilang ang pasyente sa mga repatriate ng MV Diamond Princess cruise ship at nag-positibo noong March 10.
Kunimpirm ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hoospital na dalawang beses ding nag-negatibo ang pasyente sa sakit.
Gumaling din ang PH13 na isang 34-anyos na lalaking Filipino, residente ng Quezon City.
Nagkarooon ito ng gtravel history sa Australia at na-confine sa Makati Medical Center noong March 6.
Nakumpirmang positibo ang pasyente noong March 9.
Na-discharge rin ang pasyente noong March 15 matapos mag-negatibo sa sakit.
Nasa pitong kaso na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na pasyente sa COVID-19 sa bansa.