North Korea, inilunsad na ang kanilang long range missile

 

Photo source: AP
Photo source: AP

Inilunsad na ng North Korea ang kanilang long-range missile sa kabila ng mga natanggap na kritisismo at babala mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa U.S. Pacific Command, masusi nilang binantayan ang Sohae launch site bago pa ang naturang sitwasyon at maaga silang nag-deploy ng kanilang mga missile defense assets laban sa North Korea.

Pahayag ni Captain Cody Chiles, nakahanda na ang U.S. Pacific Command para protektahan ang Amerika at mga kaalyado nito katulad ng South Korea at Japan laban sa isinagawang paglulunsad ng missile ng NoKor .

Una nang nakita sa pinakahuling satellite images ang pagpuwesto ng North Korea ng kanilang mga tanker truck para sa refueling sa launch site.

Matatandaang naglabas ng abiso ang Pyongyang sa International Maritime Organization na plano nilang ilunsad ang rocket ngayong araw hanggang February 25.

 

Read more...