Field commanders, pinaalalahanang maging non-partisan sa halalan

Major-General-Eduardo-M.-Año-1
PA commander Lt. General Eduardo Año

Pinaalalahanan ng Philippine Army ang lahat ng field commanders nito na panatilihin ang pagiging non-partisan kaugnay sa halalan sa May 2016.

Ayon kay PA commander Lt. General Eduardo Año, isa rin sa kanyang apela sa mga commander ay tiyakin ang kaligtasan at patas na eleksyon.

Inatasan na rin umano niya ang mga commander na maging alerto sa anumang uri ng threats o banta na maaaring lumutang sa kasagsagan ng campaign period na mag-uumpisa na sa Martes (February 09).

Sinabi pa ni Año na mahigpit niyang bilin sa mga Army field commanders na tumutok sa mga hakbang laban sa insurgency.

Pagsisiguro ng Año na suporta ng Philippine Army ang lahat ng units nito na nagsasagawa ng operasyon sa national priority areas.

 

Read more...