Ayon kay Salceda, hindi nanghihingi ng pera ang mga tao at handang magbayad ng buwis kundi humihingi lang ng sapat na panahon para gawin ito dahil sa isang buwang quarantine.
Sabi nito, habang ang mga gobyerno sa buong mundo ay awang-awa sa kanilang mamamayan at may nakahandang tulong gaya ng matutuluyan at pagkain ang Pilipinas naman ay ni ayaw i-extend ang deadline sa pagbabayad ng buwis sa April 15.
Binanggit nito na sa mga bansang Indonesia, Vietnam, France at Estados Unidos kung hindi extended ay deferred ang tax payments.
Sa Malaysia, Hongkong at Singapore naman anya ay may stimulus package na may libreng cash incentives sa mga apektadong industriya gaya ng hotel workers, taxi drivers at tour guides.