Total Lockdown ipinatutupad na sa ilang barangay sa Maynila

Ilang barangay na sa Lungsod ng Maynila ang isinailalim ngayon sa total lockdown.

Sa anunsiyo, lahat ng barangay na saklaw ng Zone 4 o Dagupan, ay total lockdown.

Ang lahat ng naninirahan sa buong sona ay pinayuhan na pumasok ng kanilang mga tahanan at binawalang lumabas.

Maging ang mga tindahan ay ipinag-utos din na isara.

Maging ang mga sasakyang papalabas o papasok ay hindi na pinapayagan.

Inabisuhan ang mga residente na makinig sa anunsiyo ng mga barangay kung ano ang gagawin sa susunod na mga oras.

Read more...