Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan pa, umakyat na sa 193

Nadagdagan pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ng Department of Health (DOH) na 193 na ang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.

Anim ang naitalang bago kaso ng COVID-19.

Pito naman ang nakarekober na at tuluyang gumaling.

Nanantili naman sa labingapat ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Read more...