Ayon sa Phivolcs ang lindol ay naitala sa layong 384 kilometers southeast ng Sarangani alas 11:13 ng umaga ng Miyerkules, March 18.
May lalim na 117 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Intensity I sa Alabel, Sarangani.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala pero maaring makaranas ng aftershocks.
Samantala alas 11:27 ng umaga ay nakapagtala pa ng magtnitude 4.1 na lindol sa bayan din ng Sarangani.
READ NEXT
Pag-release ng ID sa mga media na exempted sa enhanced community quarantine pinalawig ng PCOO
MOST READ
LATEST STORIES