Pag-release ng ID sa mga media na exempted sa enhanced community quarantine pinalawig ng PCOO

Pinalawig pa ng Presidential Communications Operations Office ang pagkuha ng ID ng mga kagawad ng media na magco-cover sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles sa halip na 72 hour deadline mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong March 16, itinakda ang deadline ng pagkuha ng ID hanggang sa March 21.

Ayon kay Nograles, initaang ng inter-agency task force on infectious disease sa PCOO ang paggawa ng design ng official seal at template para media ID na ibibigay ng pamahalaan.

Exempted din aniya sa home quarantine ang mga manggagawa na kailangan pumasok sa trabaho.

Kikilalanin aniya ng nga pulis at sundalo ang mga bona fide ID na inisyu ng mga establisyemento.

“PCOO shall be tasked to design the official seal and template of IATF accreditation IDs issued by government. The period for the issuance of IATF accreditation IDs shall be until March 21, 2020. Bona fide IDs issued by establishments exempted from the strict home quarantine requirements shall be honored by law enforcement agencies until March 21, 2020,” ayon kay Nograles

Read more...