Skyway, SLEX, STAR at NAIAX nananatiling bukas ayon sa SMC Tollways

Nilinaw ng SMC Tollways na mananatiling bukas sa mga motorista ang mga expressway na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa

Sa pahayag ng SMC Tollways, peke ang mga kumakalat na balita na sarado na ang South Luzon Expressway at ang STAR Tollway.

Ayon sa SMC Tollways, operational at bukas sa mga motorista ang Skyway, SLEX, STAR at NAIAX para magbigay ng tollways services.

“In light of fake news being circulated about the supposed closure of the South Luzon Expressway and STAR Tollway, SMC Tollways assures the motoring public that Skyway, SLEX, STAR and NAIAX will continue to be OPEN and provide tollways services,” ayon sa SMC Tollways.

Nakikipag-ugnayan din ang tollways group sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Health (DOH), at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Read more...