US magbibigay ng $2.7M na tulong sa Pilipinas

Inaunsyo ng US Embassy sa Maynila na tutulong ang Estados Unidos sa Pilipinas sa laban nito kontra COVID-19.

Magbibigay ang US ng $2.7 million o P139 million bilang suporta sa Department of Health (DOH).

Ito sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).

Makatutulong ang nasabing halaga para sa specimen transport system at laboratory capacity ng bansa.

Gagamitin din ang pera upang mabigyan ng proteksyon ang mga health worker at pasyente.

Read more...