Manila Infectious Disease Control Center sa Maynila maari nang magamit

Magagamit na ng mga pasyente ang bagong Manila Infectious Disease Control Center sa Sta. Ana Hospital sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, operational at handa na ang Infectious Disease Control Center para kalingain ang mga kababayan na maaring magkasakit lalo na ang mga may sintomas ng COVID-19.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Moreno ang mga frontliners sa ospital at sa lahat na madedestino sa infectious control center.

“Alam ko po na hindi magiging madali ang inatang ko na trabaho sa inyo para bigyan ng agaran at sapat na medical attention ang mga magiging pasyente natin ( COVID-19 ) na mga taga-Lungsod ngayon pa lamang Maraming salamat na sa inyo at sa inyong pamilya,” ayon kay Moreno.

Read more...