Northeast monsoon at easterlies umiiral sa bansa

Apektado ng northeast monsoon o amihan ang northern Luzon habang easterlies naman ang umiiral sa silangang bahagi ng central at southern Luzon at sa buong Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ang Caraga, Davao Oriental, at Davao de Oro makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dahil naman sa northeast monsoon.

Habang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, isolated na pag-ulan lamang din ang mararanasan dahil sa localized thunderstorms.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...