Pasig City Govt. nagtalaga ng mga bus na masasakyan ng mga manggagawang exempted sa quarantine

Mayroong mga bus na bibiyahe sa Pasig City na magsasakay ng mga manggagawa na exempted sa umiiral na enhanced community quarantine.

Isasakay ng mga bus ang mga health worker, frontline government personnel at iba pang manggagawa na exempted sa quarantine.

Narito ang mga oras at lugar kung saan magsasakay ang mga bus:

1. City Hall – Sheridan (8-12am, 1-4pm)
2. City Hall – Santolan (B) (8-12am, 1-4pm)
3. Lucky Gold – PCGH (6am and 5pm)
4. City Hall – PCGH (6am and 5pm)
5. City Hall – Santolan (A) (6-8am, 5-7pm)
6. City Hall – Kalawaan (6-8am, 5-7pm)
7. City Hall – Kenneth (6-8am, 5-7pm)
8. City Hall – Rosario (6am and 5pm)
9. Mega Market – Shaw (19 stops)

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto tuluy-tuloy ang magiging pagbiyahe ng mga bus.

Kasabay nito umapela si Sotto sa national government na huwag pigilan ang pagbiyahe ng mga tricycle dahil ito lang ang maaring masakyan sa ngayon ng mga mamamayan na kailangang magtungo sa ospital o klinika para magpasuri kung may nararamandaman.

Read more...