Ilagan City may libreng sakay para sa kanilang mga kababayan

Magbibigay ng libreng sakay ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Ilagan bunsod ng pagsuspinde sa mga pampublikong transportasyon kaugnay sa ipinapatupad na Luzon-Wide Enhanced Community Quarantine dahil sa nakamamatay na viris na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pamamagitan ng City of Ilagan Inter-Agency Task Force on Covid19 ay magbibigay ng libreng transport services ang pamahalaang lungsod para lamang sa kanilang mga kababayan na may mahalagang lakad tulad ng pagbili ng pagkain, gamot at mga emergency situations.

Kailangang kumuha rin ng clearance sa kani-kanilang mga barangay ang mga nagnanais na lumabas.

Ang mga oras at lugar kung saan maaaring abangan ang libreng transport services papunta at pabalik sa mga nasabing ruta ay ang mga sumusunod:

Oras:
8-9 am
1-2 pm
5-6 pm

Ruta:
Alibagu to Xentro Mall
Alibagu to Centro San Antonio
Alibagu to San Juan Covered Court
Alibagu to Sta. Isabel Covered Court

Read more...