Nakatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 200,000 face masks.
Tinanggap ito ni PNP Directorial Staff chief Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar para ipamahagi sa mga frontliner kasunod ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Nai-turnover ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ni Sen. Manny Pacquiao, sa PNP, araw ng Martes (March 17).
Kabilang sa COVID-19 frontliners ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 14 na ang nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES