Higit 1,500 pasahero sa PITX, naisakay ng shuttle services pauwi ng Cavite

Nasa mahigit 1,500 pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang naisakay ng bus at shuttle services pauwi ng Cavite, araw ng Martes (March 17).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), libre ang pamasahe ng mga pasahero sa shuttle services mula sa Philippine Coast Guard o PCG at Megawide.

Makikita sa mga larawan ng kagawaran na isa-isang sinuri ang temperatura ng mga pasahero.

Pinairal din sa mga bus ang social distancing.

Nakikipag-ugnayan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pribadong bus operator para sa mabilis na deployment ng mga bus para maserbisyuhan ang mga pasahero.

Katuwang ng DOTr sa hakbangin ang LTFRB, NCRPO, PNP-HPG, MMDA, PITX Management at Megawide Corporation.

Katuwang din ng mga ahensya ng gobyerno ang mga pribadong bus company na Jasper Jean Services, Inc., AAB Bus Lines, Inc., Saulog Transit Inc., at St. Gabriel Bus Express, Inc., at Joyful Journey, Inc.

Read more...