Mayor Sara Duterte, sinuspinde ang local at int’l flights mula at patungong Davao City

Sinuspinde ni Mayor Sara Duterte ang lahat ng domestic at international flights mula at patungong Davao City.

Ito ay kasunod pa rin ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa inilabas na Executive Order no. 12, ipinag-utos ng alkalde ang suspensyon ng mga flight mula at patungong Davao International Airport simula 12:01, Huwebes ng madaling-araw (March 19).

Nakasaad sa EO na epektibo ito hanggang sa alisin ang idineklarang Public Health Emergency sa bansa.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 187 na ang COVID-19 cases sa bansa.

Read more...