Batay sa kanyang Instagram post, kinumpirma aniya ng doktor na positibo siya sa nakakahawang sakit.
Wala maman aniya siyang travel history sa labas ng bansa at wala ring nakasalamuha na sinumang positibo sa nasabing virus.
Dahil dito, hinikayat ng aktor ang lahat na kanyang nakasalamuha na sumailalim sa self-quarantine sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
“However, due to the nature of my work in the entertainment business, I have interacted with many people. I therefore ask anyone who has come in contact me within the last week or two to observe stringent self-quarantine, observe for symptoms and follow the triage procedures published by DOH, whether asymptomatic or not,” ani de Leon.
Hiniling din nito sa publiko na makipagtulungan sa gobyerno para sa isinasagawang contact tracing.
Sa ngayon, naka-self quarantine na aniya ang kanyang asawa na si Sandy, anak na si Mica at mga kasambahay sa kanilang bahay.
Humingi rin ang aktor ng panalangin.