Ayon sa Department of Health (DOH), dalawa pang pasyente ang nasawi, araw ng Martes (March 17).
Ang mga ito ayon sa ahensya ay sina PH126 at PH129.
Si PH126 ay 76-anyos na Filipino na nasawi, Martes ng tanghali, dahil sa acute respiratory distress syndrome at severe pneumonia.
Ang nasabing pasyente ay na-admit sa Manila Aventist Hospital noong March 9, 2020 at naging positibo sa COVID-19 noong March 15.
Mayroon din itong type 2 diabetes at hypertensive cardiovascullar disease.
Si PH129 naman ay 67-anyos na lalaki at nag-positibo sa COVID-19 noong March 15, 2020.
Nasawi ito sa Lung Center of the Philippines, araw ng Martes, dahil sa acute respiratory distress syndrome secondary to COVID-19 at community-acquired pneumonia.
Mayroon din itong hypentension.