Base sa pahayag ng Cebu Pacific, ito ay pagtalima sa kautusan ng gobyerno kasabay nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon maging ang kahalintulad na direktiba sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa kumpanya, ito ay pagtitiyak na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero at kawani.
Ang mga biyahe na lang ng Cebu Pacific sa March 18 ay ang mga sumusunod:
– Manila-Bangkok-Manila
– Manila-Tokyo (Narita)-Manila
– Manila-Osaka-Manila
– Manila-Nagoya-Manila
– Manila-Ho Chi Minh-Manila
– Manila-Singapore-Manila
– Manila-Taipei-Manila
– Manila-Bali (Denpasar)-Manila
Inanunsiyo rin na ang lahat ng ticketing office ng Cebu Pacific ay sarado din simula sa Marso 19 hanggang Abril 14.