Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 187 – DOH

Umakyat na sa 187 ang kabuuang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), pinakabagong nagpositibo ang 45 indibidwal.

Apat naman ang COVID-19 positive na naka-recover na.

Ito ay si PH 25 na isang 31-anyos na lalaki mula sa Negros Oriental.

Ito ay kabilang sa dalawang repatriates sa Diamond Princess Cruise Ship.

Dalawang beses na lumabas na negatibo ang resulta ng test nito sa Dr. Jose Lingad Memorial Hospital sa San Fernando, Pampanga.

Nakatakdang pauwiin na ang nasabing pasyente, araw ng Martes (March 17).

Read more...