Domestic flights ng PAL, kinansela hanggang April 12

Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang lahat ng domestic flights sa bansa.

Ito ay bilang pagtalima sa deklarasyon ng enhanced community quarantine sa buong Luzon kabilang ang Metro Manila.

Sinuspinde ang lahat ng domestic flights mula March 17 hanggang April 12, 2020.

Magbabalik naman sa normal ang domestic flights sa April 13, 2020.

Samantala, sinabi ng airline company na tuloy pa rin ang kanilang international flights hanggang 11:59 ng gabi ng March 19.

“We will announce in due course the status of our international flights from March 20 up to April 12, as we are presently coordinating with government authorities on the relevant implementing details,” pahayag pa ng PAL.

Mananatili namang nakabukas ang PAL Manila Airport Ticket Office sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 mula 2:00 ng madaling-araw hanggang 10:00 ng gabi araw-araw.

Sarado naman ang ibang PAL Ticket Offices sa Metro Manila kasunod mg quarantine directives.

“We respectfully request you to consider deferring any requests for rebooking until after 12 April 2020,” dagdag ng airline company.

Sa sinumang mayroong travel at ticketing concerns, maaaring tumawag sa numerong (63 2) 88558888.

Read more...