Ligtas na ang 100 estudyante ng San Carlos, Pangasinan

candy
Larawan mula sa San Carlos City Police Office

Nakalabas na ng ospital ang mahigit 100 mga estudyante sa San Carlos City, Pangasinan na hinihinalang nalason sa kinain nilang chewing gum.

Ayon kay Police Supt. Charlie Umayam, hepe ng San Carlos City Police sa Pangasinan, matapos malapatan ng lunas at gumanda ang kundisyon ay napauwi na rin ang aabot sa 113 na mga estudyante Guelew Integrated School.

Kumpirmado namang expired na ang chewing expired na nakain ng mga bata.

Ayon kay PO2 Roy Austria ng San Carlos Police, binura ang expiration date na nakasulat sa wrapper ng strawberry flavor na chewing gum na binili ng mga bata.

Pero may mga nakitang ibang balat ang mga pulis at may nakasulat na March pa ito na-expire.

Depensa ng tindera na nagbenta sa mga bata, hindi rin niya alam na expired na ang produkto.

Una nang sinabi ni Pangasinan Provincial Hospital Chief Dr. Policarpio Manuel na ang mga ipinakitang sintomas ng mga batang isinugod sa nasabing Ospital ay pawang palatandaan ng food poisoning o pagkalason./ Jan Escosio

Read more...