Ilagan, Isabela niyanig ng lindol

lindol isabela
Mula sa Phivolcs

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang silangang bahagi ng bayan ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay may lalim na 31 kilomters at tectonic ang origin at naitala alas 9:00 ng umaga ng Biyernes.

Sa kabila ng mababang magnitude, naramdaman pa rin intensity 3 sa bayan ng Ilagan.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershock matapos ang nasabing pagyanig./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...