Isa pang empleyado ng Kamara, nag-positibo sa COVID-19

Inquirer file photo

Isa pang empleyado ng Kamara ang nagkasakit ng COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, ang nasabing empleyado ay nakatalaga din sa Printing Service.

Huling pumasok ang empleyado noong March 5 at nag-leave na ito noong March 6.

March 7 nang isugod sa pagamutan ang pasyente at Dengue ang unang diagnosis ng doktor.

Isinailim ito sa COVID-19 test nitong March 12 at 14 at March 17 lamang lumabas ang result na positibo ito sa Coronavirus.

Hindi pa tiyak kung nahawa ito sa unang empleyado ng Printing Services ng Kamara nagka-COVID 19 at nasawi nitong madaling araw ng Linggo (March 15).

Humihingi naman ng panalangin ang Mababang Kapulungan para sa pagbuti ng kalagayan ng kanilang empleyado.

Hinikayat din ang mga kawani ng Kamara na manatiling kalmado at makiisa sa ipinapatupad na safety protocols sa House of Representatives at sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Read more...