Delivery ng mga produktong petrolyo, tuluy-tuloy

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na magtutuluy-tuloy ang transportasyon ng lahat ng uri ng produktong-petrolyo sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon, kasama na ang Metro Manila.

Sa pahayag ng kagawaran, tinukoy na ang lahat ng mga produktong pang-enerhiya ay itinuturing na pangunahing pangangailangan kayat walang dahilan para mahinto ang transportasyon ng mga ito.

Kasama rin na dapat hindi maapektuhan ay ang suplay ng kuryente at kabilang sa resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force.

Nanawagan ang DOE sa koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan na tiyakin na hindi maapektuhan ang pagbibigay serbisyo ng sektor ng enerhiya ngayong kritikal ang sitwasyon.

Idiniin na sa paglaban sa COVID-19, napakahalaga ng produkto at serbisyo pang-enerhiya para sa produksyon at transportasyon ng mga pagkain, komunikasyon at sa pagbibigay ng serbisyong medikal.

Read more...