Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, kinunan na ng swab test ang mag-ina.
Ayon kay Go, sumalang na rin sa COVID-19 test ang iba pang anak ng pangulo na sina Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte at dating Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte.
Pero ayon kay Go, nasa Davao pa at hindi pa naipapadala sa Maynila ang mga swab sample ng pamilya Duterte para masuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Una nang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na person under investigation si Vice Mayor Sebastian dahil sa lagnat, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan.
Nagpa-COVID 19 test na rin sina Pangulong Duterte at Senador Go at parehong negatibo naman ang resulta.