Wala pa ring naitatalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Bicol region.
Ayon sa Department of Health-Center for Health Development Bicol (DOH-CHD Bicol), hanggang 5:00 Lunes ng hapon (March 16), walang naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Mayroon naman anilang isang bagong ‘person under investigation’ (PUI).
Nag-negatibo naman sa virus ang 18 na-discharge na PUI.
Gayunman, patuloy pa rin ang paalala ng DOH-CHD Bicol sa mga residente sa rehiyon na sundin ang preventive measures kabilang ang hand hygiene, proper cough etiquette, healthy lifestyle, social distancing, at paggamit ng mask kung kinakailangan.
Sa mga nagkaroon ng travel history sa ibang bansa at nakararanas ng sintomas, agad anilang pumunta sa pinakamalapit na health center para masuri.
Para naman sa mga may travel history ngunit hindi nakakaranas ng sintomas, kailangan sumailalim sa home quarantine.