Sinabi ni Pangilinan na sapat ang suplay ng bigas, gulay at iba pang mga produktong agrikultural ng mga lokal na magsasaka.
Aniya, kailangan lang mabili na ng gobyerno ang mga pagkain para hindi masayang dahil sa hirap na pagbiyahe ng mga ito bunga ng lockdown.
Paliwanag ng senador, nakasaad sa Sagip Saka Law na dapat ay direktang bilihin ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang mga ani at huling isda ng mga lokal na magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA).
Dapat din aniyang tiyakin ng gobyerno ang tuluy-tuloy na suplay ng malinis na tubig, mga gamot at iba pang mga pangunahing pangangailangan.