CSC offices sa Luzon, sarado kasunod ng enhanced community quarantine sa Luzon

Pansamantalang isinara ang mga tanggapan ng Civil Service Commission (CSC) sa Luzon.

Ito ay kasunod ng idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sarado muna sa mga kliyente at bisita ang CSC Central Office sa Diliman, Quezon City at mga CSC regional/field office sa Luzon mula March 17 hanggang April 13 o hanggang sa maalis ang enhanced community quarantine sa Luzon.

“A Work from Home Scheme is being adopted by the Commission for the time being,” pahayag ng ahensya.

Kasunod nito, tiniyak ng ahensya na mahigpit nilang ipinatutupad ang home quarantine policy.

Read more...