Biyahe ng mga barko sa Bicol, pinatigil na


Simula ngayong araw Marso 17, ay sinuspinde na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe ng lahat ng pampasaherong barko sa Bicol.

Ito ay bilang pagsunod sa idineklarang lockdown ng pamahalaan upang masugpo ang pagkalat ng mapanganib na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Bukod sa mga barko, maging ang roll-on roll-off vessel ay hindi na rin pinapayagang makapaglayag papunta at pabalik sa lahat ng pantalan sa rehiyon.

Tanging cargo vessels lamang na nagdadala ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan ang pinapayagang makapag-operate.

Gayunman, mahigpit ang kautusan sa mga kumpanya ng shipping vessel na tumalima sa itinatakdang health protocols and safety guidelines.

Ayon sa PCG, magpapalabas na ng abiso kung kailan maaaring makabalik sa paglalayag ang sinuspindeng operasyon.

Read more...