Nais ni Marikina City Rep. Stella Quimbo na pag araln ng gobyerno ang paggamit sa mga P2P buses para magsakay ng mga exempted employees na kailangang pumasok sa araw-araw.
Ayon kay Quimbo, kailangang bayaran ng gobyerno ang mga P2P buses at payagan na eksklusibong mag-transport ng mga exempted employees.
Mas madali anya ito dahil nasa iisang lugar lamang ang sakayan at babaan ng mga P2P buses kaya’t maaaring makontrol ang mga sasakay dito.
Dapat lamang aniya na bantayan at pagbawalan ang mga sasakay na hindi exempted sa pamamagitan ng pagche-check sa mga IDs ng mga ito.
Aniya, sa Luzon ay mayroong 333,000 na health workers na mangangailangan ng P4.8 Billion sa isang buwan para sa kanilang transportasyon.
Sa government sector naman ay nasa 195,000 ang 10% ng skeletal force na papayagang magtrabaho na mangangailangan ng P2 Billion para sa transportation at compensation habang 7 million na manggagawa naman ang “no work, no pay’’ basis na mangangailangan naman ng P97 Billion para sa kanilang “cash transfers upang maasuportahan ang pang-araw araw na buhay.