Nabatid na ang mga gloves at masks ay mula sa Office of the Directorate for Operations.
Sinabi ni Sinas na ang mga ito ay karagdagan protective gears para sa mga pulis na nagbabantay sa mga checkpoints sa mga hangganan ng Kalakhang Maynila.
Hiwalay na binigyan ni Sinas ng 66 gloves at 50 masks ang kanyang limang district directors at commander ng Regional Mobile Force Battalion.
Nakatanggap din sila ng 800 piraso ng N95 masks at tig-dalawang gallon ng alcohol.
Ipamamahagi din ang mga ito sa mga pulis na nagbabantay sa control points sa paligid ng Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES