Nasawi sa Italy dahil sa COVID-19 mahigit 2,000 na

Nakapagtala ng 349 na panibagong bilang ng mga nasawi sa Italy dahil sa COVID-19.

Dahil dito umabot na sa 2,158 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Italy.

Mayroon namang nang 27,980 na kaso sa Italya at mahigit 3,000 dito ang bagong kaso.

Ang Iran ay mayroong 14,991 na kaso at 853 na ang nasawi.

Habang ang Spain ay mayroong 9,942 kung saan mayroong 342 na nasawi.

Sa South Korea naman, 8,236 ang kaso at nananatili sa 75 ang death toll.

Read more...