Ang deklarasyon ay ginawa ni Cagayan Gov. Manuel Mamba kaugnay ng banta ng coronavirus disease o COVID-19.
Sa kabila na wala pang deklarasyon mula sa Sangguniang Panlalawigan ay ginamit na batayan ng gobernador ang “general welfare clause” na nakasaad sa Saligang Batas at maging ang direktang atas ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte para labanan ang malinaw at kasalukuyang panganib dulot ng COVID-19.
Ang hakbang ni Mamba ay para magamit ng mga lokal na pamahalaan mula barangay hanggang probinsiya ang kani-kanilang calamity fund para pangtustos sa anumang gastusin habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Sinabi ng gobernador na nakaatang sa mga lokal na pamahalaan ang paniniguro sa suplay ng pagkain sa mga mamamayan na hindi na pinapalabas ng kanilang tahanan at hindi na pinapayagang magtrabaho habang nakataas ang Enhanced Community Quarantine.