Consular services ng DFA sa buong Luzon suspendido na

Suspendido ang consular services ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa buong Luzon.

Kaugnay ito ng umiiral na Enhanced Community Quarantine na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte,

Ayon sa DFA, simula ngayong araw March 17 suspendido na ang operasyon ng Office of Consular Affairs sa Aseana, Parañaque City at sa lahat ng Consular Offices sa Luzon.

Ang mga aplikante na mayroong kumpirmadong appointments ay ia-accommodate na lamang kapag nag-resume na ang operasyon.

Suspendido din ang Authentication at Civil Registration services ng DFA.

Kung may mga katanugan, maaring tumawag sa Consular Office kung saan sila naka-appointment.

Pwede ring magpadala ng email sa oca.concerns@dfa.gov.ph o tumawag sa 8651 9400.

Read more...