Big time rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

Epektibo na ang malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Ang kumpanyang Sea Oil ay nagbawas na P4.25 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina at diesel at P4.35 sa kada lirto ng kerosene alas 6:00 ngayong umaga kahapon araw ng Lunes.

Ang kumpanyang Shell at Chevron naman, may parehong halaga ng rollback sa kanilang produkto ng alas 12:01 ng madaling araw kanina (March 17).

Habang ang Flying V at Petron ay alas 6:00 ng umaga din ang rollback na P4 sa presyo ng kada litro ng diesel at gasolina at P4.50 sa presyo ng kada litro ng kerosene.

P4.25 din ang rollback ng kumpanyang Petro Gazz sa kanilang produktong diesel at gasolina epektibo ngayong umaga.

 

 

Read more...