Water level ng Angat dam nasa 199.73 meters na lang

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, March 17 ay nasa 199.73 meters ang water level ng Angat.

Malayo na ito sa 212-meters na normal high water level ng dam.

Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 76.84 meters.

Wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam na nasa 101 meters.

Pawang nabawasan ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon maliban lamang sa Ambuklao dam at Magat dam na nadagdagan ng kaunti.

 

 

Read more...