Ito ang kinumpirma ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet.
Sinabi ni Macasaet, may travel history ang babaeng empleyado sa Japan at nakaramdam ng sintomas nitong Marso 7 at ito ay agad na naisugod sa San Juan de Dios Hospital nitong Marso 11 at matapos ang ilang pagsusuri ay natukoy na positibo ito sa COVID-19.
Sa ngayon aniya? nagsasagawa na ang pamunuan ng GSIS ng Contact tracing kung sino ang mga nakasalamuha ng kanilang empleyado.
Nag-self quarantine na rin si Macasaet kasama ang ilan pang indibidwal bilang pagtalima sa protocol ng DOH.
Nagpasya rin ang pamunuan ng GSIS na i-lockdown ang naturang gusali hanggang Abril 15 gayundin ang GSIS Branch sa Mindanao Avenue, Quezon City.
Bukod pa dito, suspendido na rin ang trabaho sa mga tanggapan ng GSIS sa Cagayan de Oro.