Mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 142 na; Bilang ng nakarekober, nasa 3 na

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa huling tala ng DOH hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (March 16), umakyat na sa kabuuang 142 ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Ayon pa sa kagawaran, hanggang 10:30, Linggo ng gabi (March 15), nasa 12 ang nasawi dahil sa nakakahawang sakit.

Sinabi ng DOH na nasawi ang patient number 12 o PH12 o isang 56-anyos na lalaking Filipino mula sa Maynila.

Unang nakaranas ng pag-uubo at lagnat ang pasyente noong February 29 at na-confine sa Makati Medical Center noong March 7.

Nag-positibo sa COVID-19 ang PH12 noong March 9.

Samantala, sinabi ng DOH na tatlong pasyente na ang nakarekober sa nasabing sakit.

Nakarekober ang PH14 na isang 46-anyos na lalaking Filipino mula sa Pasay City.

Wala itong travel history mula sa ibang bansa.

Unang na-confine sa Makati Medical Center ang pasyente noong March 5 at nag-positibo sa sakit noong March 9.

Kinumpirma naman ng Makati Medical Center na negatibo na sa sakit ang pasyente matapos dalawang beses mag-negatibo.

Na-discharge ang pasyente noong March 15.

Read more...