Ayon kay Zubiri, nagpa-test siya noong Biyernes, March 13, at Lunes, March 16, ay tinawagan siya ni Health Sec. Francisco Duque III para sabihin na positibo siya sa 2019 Coronavirus.
Dumalo pa ng sesyon sa Senado si Zubiri noong nakaraang Miyerkules, March 11, bago ito nag-self quarantine matapos ianunsiyo na isang resource person sa isang pagdinig ang nag-positibo sa nakakamatay na virus.
Ayon sa senador, napaganda pa ang kanyang desisyon dahil naiwasan na mahawaan niya ang kanyang pamilya.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Zubiri na wala siyang lagnat, ubo at hindi rin siya nakakaranas ng pananakit ng ulo at hindi rin siya nanghihina.
Aniya, kukumpletuhin niya ang 14-day quarantine period at muling sasailalim sa COVID-19 test.
Nanawagan ito sa sambayanan na makinig sa paalala ng gobyerno ukol sa COVID-19 dahil kung siya na labis labis ang pag iingat ay nahawa pa sa hindi pa niya alam na paraan.