Parañaque City, isinailalim na rin sa state of calamity

Isinailalim na rin sa state of calamity sa Parañaque City.

Batay sa anunsiyo, ipinasa ang Resolution No. 2020-012 para makuha ang local calamity fund bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa huling tala, nasa tatlo na ang positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan nakatira sa Barangay Moonwalk, Sto. Niño at Sun Valley.

Nakapagtala rin ng 30 persons under investigation at 34 persons under monitoring.

Ipinatutupad na rin ang City Ordinance No. 2020-03 kung saan magkakaroon ng curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw simula sa Lunes, March 16.

Hindi naman sakop nito ang mga sumusunod:
– medical personnel
– night-shift workers
– mga taong maghahain ng reklamo sa pulis o batangay, bibili ng pagkain at iba pang pangangailangan
– estudyante na pauwi ng bahay
– menor de edad na kasama ng magulang o guardian pauwi ng bahay
– pauwi ng bahay mula sa local o international travel
– mga kabilang sa religious o sectoral practices, masses at prayer meetings

Read more...