Hinikayat ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Transportation (DOTr) na pag-aralang mabuti ang total ban sa public transport sa Metro Manila.
Ayon kay Cayetano, hindi maaring zero ang public transport dahil hindi naman lahat ay mayroong sasakyan.
Wala anyang masasakyan ang mga nasa frontline ng paglaban sa COVID-19 tulad ng mga nasa medical service.
Inihalimbawa ni Cayetano na kahit maging ang Italy ay operational ang kanilang train system sa gitna ng lockdown.
Nauna rito, sinabi ni Transportation Assistant Secretary Goddes Libiran na isa sa kanilang pinag-aaralan at ng iba pang ahensya ng pamahaalaan ang total lockdown sa public transport dahil sa marami ang matitigas ang ulo.
Kasama ayon kay Libiran sa pag-uusapan ng task force, araw ng Lunes? ang nasabing ideya at kung sa tingin ay makakabubuti ito saka irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pag-uusapan din naman anya ang mga contingency measure na isasagawa kapag naipatupad ito.